CONSOLIDATION RATE NG PUVs NASA 78% NA

ILANG linggo na lamang bago ang April 30 deadline, hindi bababa sa 78 percent ng PUV operators sa buong bansa ang nakapag-consolidate na sa ilalim ng PUV modernization program, ayon sa Department of Transportation (DOTr).

“As of two days ago, humingi po ako ng numbers from LTFRB, and nai-report po sa akin is almost 78 percent, nationwide po iyon, all modes po iyon,” wika ni DOTR Undersecretary Andy Ortega sa isang televised briefing.

Ayon kay Ortega, ang mataas na bilang ay nagpapakita lamang ng malakas na suporta sa kontrobersiyal na programa.

“So it’s a clear sign which is noon pa naman, talagang clear sign that the majority in the transportation sector ay talagang agree, sasama dito sa ating pagbabago po not only sa mga sasakyan but pagbabago po ng sistema. So 100 percent po go po iyong ating programa,” aniya.

Nauna nang sinabi ni Presidente Ferdinand Marcos Jr. na hindi na palalawigin ang April 30 deadline para sa consolidation, at sinabing kailangan na ng bansa na isulong ang pagpapatupad ng programa sa kabila ng pagtutul ng transport groups.

“We respect the decision, iyong mga ayaw, talagang ayaw nilang sumama – nirespeto po natin iyong kanilang desisyon. But sa dulo po, the big majority, we will have to move forward– them, us in the government because iyon atin pong mga mananakay ay matagal na pong naghihintay na talagang magbago, mag-upgrade iyong sistema ng ating transportation dito sa Pilipinas po,” ani Ortega.

Bilang protesta sa nalalapit na deadline ng consolidation ay ikinasa ng transport groups na

Piston at Manibela ang panibagong nationwide transport strike sa Abril 15 at 16.