‘CONSTRUCTION BREAKTROUGHS’ TAMPOK SA 10TH DPWH RESEARCH SYMPOSIUM

IDINAOS ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang mga makabuluhang pagsulong sa teknolohiya ng konstruksiyon sa 10th Research Symposium nito na ginanap nitong Biyernes, Oktubre 18 sa University of the Philippines Bahay ng Alumni sa Diliman, Lungsod ng Quezon.

Ang Research Symposium ngayong taon na may temang “Construction Breakthroughs” ay nagpakita ng pinakabagong mga inobasyon at technology advancement sa larangan ng konstruksiyon.

Ang taunang event na inorganisa ng Bureau of Research and Standards (BRS) ay naglalayong palakasin ang pagtutulungan at pagpapalitan ng mga makabagong ideya para sa patuloy na pagpapabuti ng pampublikong impraestruktura sa Pilipinas.

Tampok sa event ang sampung pinakabagong pananaliksik na nakatuon sa pagtugon sa mga kritikal na hamon sa teknolohiya ng konstruksiyon kabilang ang innovations in concrete technology, ground improvement, slope stabilization at road pavement performance.

Kabilang sa mga lumahok at nagpresenta ng kanilang mga pananaliksik ay ang DPWH Bureau of Research and Standards, Shell Pilipinas Corporation, Polytechnic University of the Philippines, Mapua University, CIFRA Marketing Corporation, Cyanclay Incorporated, Maccaferri Philippines Inc., Rebtrade International Corporation at PGA-Earth Structure Solutions Inc.

Naging kinatawan sa event ni Secretary Manuel M. Bonoan si Bureau of Research and Standards (BRS) OIC Director Juliana D. Vergara at Bureau of Quality and Safety Director Reynaldo P. Faustino.

Lumahok ang mahigit 300 inhinyero, mananaliksik at mga propesyonal mula sa mga akademikong institusyon, ahensya ng gobyerno at pribadong sektor.

Ilan pang kilalang dumalo ay sina DPWH BRS OIC Assistant Director Gerardo A. Macalinao, BRS Research and Development Division Chief Teodoro D. Viyar, Jr. at former DPWH officials na sina Undersecretaries Raul C. Asis at Maximo L. Carvajal, BRS Director Judy M. Sese na patuloy na nagbibigay ng mentorship at gabay sa pamumuno sa departamento.

RUBEN FUENTES