CONSTRUCTION NG BATAAN-CAVITE INTERLINK BRIDGE TULOY NA

BATAAN – NATAPOS na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang soil testing ng 32.15-kilometer long Bataan-Cavite Interlink Bridge.

Ayon kay DPWH Sec. Manny Bonoan, sa susunod na taon 2025, sisimulang ang paggawa sa proyekto na tatagal ng halos 6 na taon.

Sinabi ng  Kalihim, na tinatayang aabot sa higit P200 bilyong piso ang gagastahin sa proyekto na poponduhan ng Asian Development Bank (ADB) kung saan tiniyak ni Country Director Kelly Bird na 100% ang kanilang commitment sa Bataan-Ca­vite Bridge.

Sakaling mabuo, ito na ang pinaka malaki at mahabang iconic bridge sa bansa.

Mula Central Luzon hanggang Southern Tagalog mas magiging mabilis na ang byahe sa  20 hanggang 30 minuto sa bilis na 60 Km bawat oras.

THONY ARCENAL