INAASAHAN ang pagsipa ng construction sector ngayong taon at sa 2020 dahil pasisiglahin ng flagship Metro Manila subway project ng administrasyong Duterte ang construction activities sa bansa, ayon sa think tank Fitch Solutions Mac-ro Research.
“Relative political stability, a healthy project pipeline, and growing foreign direct investments are factors supporting our positive outlook for Philippine transport sector in the next five years,” ayon sa Fitch Solutions.
Sa pagtaya ng naturang think tank, ang construction sector ay lalago ng 10.9 percent ngayong taon at ng 10.5 percent sa 2020.
“We currently hold a positive outlook for the Philippine transport sector in the next five years. We believe relative political sta-bility within the country will be a plus for the sector as policies enacted by the current government will benefit from continuity over the next few years.”
Inaasahan namang lalago ang railway sector ng 9.1 percent at 8.6 percent sa 2019 at 2020, ayon sa pagkakasunod.
“Growth of the Philippines’ construction sector will be boosted by positive progress made on Phase I of Metro Manila subway project,” sabi pa ng Fitch Solutions.
Ang proyekto na pinakamalaki sa ilalim ng ‘Build Build Build’ infrastructure program ni Pangulong Rodrigo Duterte ay par-tially financed ng $985-million loan mula sa Japan International Cooperation Agency.
Sisimulan ang konstruksiyon ng 25-kilometer long subway system sa first quarter ng 2019. Tatakbo ito mula sa Mindanao Avenue sa Quezon City hanggang sa Manila International Airport. Kapag natapos sa 2025, inaasahang pagagaanin nito ang mabigat na trapiko sa Metro Manila.
Comments are closed.