QUEZON CITY – BUMANGGA ang isang pampasaherong bus sa construction site na halos nasa loob pa ng North Luzon Expressway sa lungsod na ito kahapon ng umaga.
Batay sa ulat, sinalpok ng yunit ng First North Luzon Transit ang concrete barrier ng isang construction site sa bahagi NLEX-Camachile southbound lane bandang 9:00 ng umaga.
Ang nasabing construction site ay bahagi ng Skyway Stage 3 project.
Dahil sa insidente, bahagyang nakaranas ng pagbabagal sa daloy ng trapiko sa lugar bunsod ng aksidente.
Natanggal na ng awtoridad ang bus sa lugar. PM Reportorial Team
Comments are closed.