ISA PANG lalaki na nag-alok naman ng P100 milyong ‘pabuya’ sa social media para umano patayin si Pangulong Rodrigo Duterte, ang inaresto ng mga awtoridad nitong Martes sa lalawigan ng Aklan.
Sa ulat ng Malay Police Station ay kinilala ang dinakip na si Ronald Quiboyen, 40-anyos.
Nakatanggap ng impormasyon ang pulisya kaugnay sa pagpo-post ni Quiboyen ng nasabing “seditious” post sa Facebook.
Naka-post umano sa wall ni Quiboyen ang: ‘Yong 50 milyon nyo doblihin ko, gawin kung 100 milyon kung sino makapatay kay Duterte nandito ako ngayon sa Boracay.”
Kamakalawa ay inaresto rin ang isang guro sa Pangasinan na nag-alok din sa social media ng P50 milyong pabuya sa sinomang makakapatay sa Pangulo.
Comments are closed.