PASAY CITY -PATAY ang isang granite installer matapos mahulog mula sa ika-15 palapag habang winawasak nito ang mga granite stone na nakakabit sa isang five star hotel.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Rei Roble, 50-anyos na nabasag ang bungo at nabali ang buto sa buong katawan.
Naganap ang insidente ala-1:33 ng hapon sa West Wing Roofdeck ng Mariot Hotel sa Resort Drive, Brgy. 183 Villamor ng nabanggit na lungsod.
Base sa pahayag ng saksing si Michael Aguilar, kasama niya ang biktima at habang winawasak nila mula sa ika-15 palapag ng naturang hotel ang mga nakakabit na granite stone ay bigla na lang na out of balanced ang biktima.
Dahilan upang ito ay mahulog hanggang sa bumagsak ito sa ground floor ng hotel. MARIVIC FERNANDEZ
Comments are closed.