CONSTRUCTION WORKERS KULANG NA

construction worker

DAHIL sa dagsa ang mga proyekto, umaangal na ang mga kontratista kapwa sa pribado at sa sektor ng gobyerno sa kakulangan ng kinakailangan nilang construction workers.

Ito ang pahayag ni House Speaker Alan Peter Cayetano dahil kahit saan ka pumunta, sa private sectors man, ang mga kontratista  ay umaangal na kulang na aniya  ng workers.

“Sa dami nga kasi ng ginagawa not only ng gob­yerno, but pati ng public sector kaya kinukulang,” ayon pa sa  House speaker.

Tinawag naman ni Cayetano na  ‘fake news’ ang ibinulalas ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na isang malaking kabiguan lamang di-umano ang ipinagmamalaki ni Pangulong Rodrigo Duterte na ‘Build, Build, Build’ program nito.

“Kahit ano pong pisikal na litrato, actual statistics, napakaraming nagawa ng Duterte administration compared to the other administration.

At sa budget pa lang makikita mo ito, sa sincerity nandiyan din. It’s being done not for politics but to give people a safe and comfortable life,” ang mariing tugon ng House leader.

“Ang tiningnan kasi ng Senado ang flagship programs alone and then tiningnan lang nila kung ano ang naumpisahan at anong hindi.

Samantalang iba iyong pag-upo ni Presidente ginagawa na, iba iyong nasa pipeline na, iba iyong from scratch ginawa,” dugtong pa ni Cayetano.

Kabilang sa maipagmamalaki ng samba­yanang Filipino, na isa sa magiging ‘legacy’ ng kasalukuyang pamahalaan sa pagsusulong nito ng ‘Build, Build, Build’ program ay ang kauna-unahan sa bansa na P393-B Metro Manila subway project, na ang unang tatlong estasyon ay target na maging operational bago magtapos ang termino ni Presidente Duterte.

Maaari naman uma­nong  mapabilis ang pagpapatupad ng iba’t-ibang infrastructure projects ng pamahalaan subalit ang mayroong kinakaharap na malaking hamon ang mga contractor para magawa ito.

“There are also challenges. Kahit saan ka pumunta, whether private or private sector, ang mga kontratista umaangal na kulang ng workers,” dagdag pa ni Cayetano. ROMER R. BUTUYAN

Comments are closed.