PAPAYAGAN na ang pagpapatuloy ng ilang private at public construction at infrastructure projects sa mga lugar na nasa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ).
Ito ay matapos amyendahan ng IATF ang bahagi ng omnibus guidelines sa implementasyon ng ECQ sa bansa.
Gayunman, sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, magiging limitado lamang ito sa mga proyektong may kinalaman sa quarantine at isolation facilities para sa confirmed, probable at suspected case ng ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Gayundin, aniya ang mga pasilidad para sa mga construction personnel para sa emergency works, flood control, disaster risk reduction and rehabilitation program, sewerage, water service facility projects at digital works.
Habang ang mga private construction projects naman na may kinalaman sa food production, agriculture, fisheries, fish port development, energy, housing, communication, water facilities, manufacturing at business outsourcing.
Dahil dito, sinabi ni Roque na papayagan na ang pagbiyahe ng mga contruction worker na accredited ng DPWH patungo sa lugar na kanilang pinagtatrabahuan. DWIZ882
Comments are closed.