RIZAL – BINUKSAN ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang isang consular office sa Antipolo City para mapaglingkuran ang nangingibang bansa lalo na ang mga overseas Filipino worker (OFW).
Ang bagong tanggapan ay ika-31 consular office ng DFA na pinasinayaan noong Nobyembre 21.
“The new site is one of the six offices in partnership with SM Supermalls,” ayon kay DFA.
Pinangunahan ni Office of Consular Affairs Assistant Secretary Neil Frank R. Ferrer ang inagurasyon ng pagbubukas ng nasabing tanggapan para makapag-serbisyo kaagad ang pamahalaan.
Ang bagong consular office ay magsisilbi sa mga mamamayan ng Calabarzon region upang maitaas ang demand ng iba pang consular offices sa kalapit na lugar. PILIPINO Mirror Reportorial Team
Comments are closed.