CAVITE-DEAD on the spot ang consultant ng alkalde ng bayan ng Ternate nang tambangan ng riding in tandem habang nagjo-jogging sa Barangay Sapang 1 ng nasabing bayan sa lalawigang ito nitong Biyernes ng umaga.
Kinilala ni Major Xelacor Maria Garcia, Ternate police chief ang biktima na si Ricky Diones, 49-anyos, may asawa, negosyante at consultant ng LGU ng Ternate.
Tumatayo rin bilang operation manager si Garcia ng Quarry Company sa nasabing bayan.
Namatay noon din ang biktima dahil sa tinamong dalawang tama ng bala sa katawan nito.
Hindi naman nakilala ng mga testigo ang mga salarin na mabilis na nakatakas gamit ang isang asul na Honda click na walang plaka.
Sa masusing imbestigasyon ng Ternate police office, dakong ala-6:45 ng umaga nang maganap ang insidente ng pamamaril malapit sa Barangay Bucana ng nasabi rin bayan.
Ayon kay Garcia, habang isinasagawa ni Diones ang regular nitong pag-eehersisyo ay sinabayan ito ng dalawang suspek kung saan isa mga ito ang bumunot ng baril at sunod sunod na pinaputukan ang biktima.
Sinisilip ng pulisya ang anggulong may kinalaman sa negosyo ang motibo ng pamamaslang.
ARMAN CAMBE