CONSUMER, BUSINESS CONFIDENCE TUMAAS

BSP-12

NAKABAWI ang consumer at business confidence sa huling tatlong buwan ng taon mula sa record slump sa gitna ng unti-unting muling pagbubukas ng ekonomiya matapos ang ilang buwang community quarantines dahil sa COVID-19 pandemic, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Sa resulta ng Business Expectation Survey (BES), ang business confidence sa ekonomiya para sa buwan ng Oktubre hanggang Disyembre ay tumaas kung saan ang overall confidence index (CI) ay bumalik sa positive territory sa 10.6 percent mula sa -5.3 percent sa third quarter.

Ang negative business CI sa third quarter ang pinakamasama makaraang magposte ng 43 quarters na positive confidence magmula nang maitala ang index sa -2.6 percent sa third quarter ng 2009.

“The positive reading indicates that respondents with optimistic views increased and outnumbered those with pessimistic views,” paliwanag ng BSP.

“The respondents’ optimism for the fourth quarter 2020 was attributed to the reopening of businesses and adapting to the ‘new normal,’ easing of community quarantines nationwide, seasonal factors such as uptick in demand during the holiday season and start of milling season, and increase in volume of sales and orders.”

Ayon sa BSP, ang favorable sentiment ay namayani sa iba’t ibang uri ng trading firms tulad ng exporter, importer, dual-activity, at domestic-oriented, subalit sa magkakaibang antas.

“Importers and domestic-oriented firms turned optimistic on the business environment for the fourth quarter, while exporters be-came more optimistic and dual-activity respondent firms were less upbeat.”

Samantala, sa resulta ng Consumer Expectations Survey (CES) ay lumitaw na ang consumer outlook ng bansa ay less pessimistic para sa fourth quarter kung saan ang overall confidence index ay tumaas sa -47.9 percent mula sa  -54.5 percent sa third quarter.

“According to respondents, their improved outlook during fourth quarter 2020 was brought about by their expectations of: (a) availability of more jobs and permanent employment, (b) additional and high income, (c) effective government policies and programs such as the Social Amelioration Program (SAP) and the Plant, Plant, Plant Program, and (d) less community restrictions, reopening of businesses and end to COVID-19 pandemic,” ayon sa BSP.

Para sa first quarter ng 2021, ang consumer CI  ay bumalik sa positive territory sa 4.3 percent mula sa third quarter survey result na -4.1 percent.

Tinukoy ng mga consumer ang inaasahan nilang availability ng mas maraming trabaho at mas maraming miyembro ng pamilya na nagtatrabaho, dagdag at mas mataas na kita, ang pagtatapos ng COVID-19 pandemic, gayundin ng pagkakaroon ng bakuna, at ang reopening ng mga negosyo na dahilan ng kanilang optimismo.

Comments are closed.