BUMAGSAK ang kumpiyansa ng mga Filipino sa ekonomiya ng bansa sa ikatlong bahagi ng taon.
Batay sa consumer index, sumadsad sa negative 7.1 percent ang consumer confidence ng mga Filipino sa ekonomiya ng bansa mula sa 3.8 percent noong ikalawang bahagi ng 2018.
Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), ito ang unang pagkakataon na muling nag-negatibo ang kumpiyansa ng mga Filipino sa ekonomiya mula noong ikalawang bahagi ng 2016.
Ipinaliwanag ni BSP Department of Economics Statistics Head Redentor Paolo Alegre Jr., na mas dumami ang nawalan ng kumpiyansa o tiwala sa ekonomiya ng bansa sa ikatlong quarter ng 2018 dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin, mababang pasahod sa mga manggagawa, mataas na gastusin sa bahay, walang karagdagang kita at mataas na bilang ng mga Filipinong walang trabaho.
Sa kabila nito, tiniyak ni BSP Deputy Governor Diwa Guinigundo na ginagawa ng pamahalaan ang lahat para masigurong maibabalik ang inflation rate sa target ng pamahalaan na 2 hanggang 4 percent pagsapit ng 2019 at pigilan ang tuloy-tuloy na pagbulusok ng piso.
Comments are closed.