TUMAAS ang consumer confidence bagama’t nanatiling negatibo sa first quarter ng 2019, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
Sa pinakahuling BSP Consumer Expectations Survey (CES) ay lumitaw na ang consumers’ overall confidence (CI) ay umangat sa -0.5 mula sa -22.5 percent sa fourth quarter ng 2018.
“The higher, albeit negative, CI indicates that the number of households with optimistic views considerably increased, but was still lower than those who think otherwise,” wika ni BSP Department of Economic Statistics head Redentor Paolo Alegre, Jr.
“The CI is computed as the percentage of households that answered in the negative with respect to their views on a given indicator.”
Sinusukat ng consumer index ang average direction ng pagbabago sa tatlong indicators— overall condition ng ekonomiya, household finances, at household income.
Ayon kay Alegre, gumanda ang pananaw ng mga respondent sa first quarter dahil sa karagdagang kita, pagbuti ng peace and order, pagkakaroon ng dagdag na trabaho at mahusay na pamamahala.
Sinabi ni BSP Deputy Governor Diwa Guinigundo na hindi nakaapekto sa survey ang isyu ng pag-o-operate ng gobyerno sa ilalim ng reenacted budget .
“Tingin ng mga ordinaryong consumer, malayo sa bituka. Sa madaling sabi, hindi sila masyadong apektado kasi nga mas madaming trabaho na available,” sabi pa ni Guinigundo.
Comments are closed.