CONSUMER GROUP SA DOH: BRANDS NG PEKENG SUKA IBUNYAG

SUKA-PNA

NANANAWAGAN ang isang consumer group sa Department of Health (DOH) na ibunyag sa publiko ang mga brand ng suka na masusuring may sangkap na synthetic acetic acid at tinaguriang mga “fake vinegar.”

Nauna rito, sinabi ng DOH na isinasailalim nila ngayon ang halos 300 brand ng suka — lokal man o imported — sa laboratory test para masigurong walang sangkap ang mga ito na synthetic acetic acid.

Nauna nang magsagawa ng laboratory test ang Philippine Nuclear Research Institute ng Department of Science and Technology (DOST) kung saan natagpuan nilang may hindi natural na sangkap ang ilang brands ng suka.

Batay sa pag-aaral, 8 sa 10 suka sa bansa ay ‘peke,’ at maaaring gawa sa petrolyong sangkap.

Ayon sa mga consumer group, dapat daw magpaliwanag ang mga kompanya kung bakit natural ingredients ang kanilang nilalagay sa label samantalang meron pala itong sangkap na synthetic acid.

“Nakasaad sa Consumer Act… ay dapat totoo ang ilalagay sa label ng produkto,” sabi ni Atty. Vic Dimagiba, presidente ng Laban Konsyumer.

Sabi ng DOH, bawal ang sangkap na synthetic acid sa suka kaya maaa­ring matanggalan ng business permit o lisensiya ang mga negosyong lumabag dito.

Comments are closed.