NAG-DEMAND ng malinaw na hakbang ang isang consumer welfare advocacy group Laban Konsyumer kamakailan mula sa Department of Trade and Industry (DTI) sa gitna ng pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin.
Ayon sa report, siyam na brands ng gatas ang nagtaas ng kanilang suggested retail price (SRP) ng P0.50 hanggang P2.
Nagtaas din ng SRP ang isang klase ng kape ng P1 bawat pakete habang ang isang brand ng patis ay nagtaas din ng P0.85.
Sinabi ni Laban Konsyumer president Vic Dimagiba na dapat ay nabibigyan ng abiso ang mga konsyumer tungkol sa price ad-justments.
“Mataas po ‘yung percent increase at maaaring magdulot na naman ito ng impact sa inflation as far as food is concerned. Kulang sa transparency, kulang sa proseso at hindi natin alam bakit nagtaas, wala pong paliwanag eh,” sabi niya.
Si Dimagiba ay dating opisyal ng DTI.
“Ang DTI lamang at manufacturer ang gumagawa ng desisyon, ‘di kasama ang consumers doon. Ang process before, nagka-karoon kami ng mga meeting usually ang manufacturers ang nag-a-announce ng presyo nila, bina-validate po namin ‘yan,” sabi niya.
Sinabi naman ng DTI, sa kanilang parte, ang pagtaas ng presyo ay dumaan sa tamang proseso at pag-aaral bago ito ipinatupad.
Sinabi ng Laban Konsyumer na dapat muling buhayin ng DTI ang practice ng pag-set ng price boards sa wet markets, pagmultahin ang mga lalabag sa Republic Act No. 7581 na kilala rin bilang Price Act, at maglagay ng temporary suggested retail price para sa karneng baboy at manok.
Comments are closed.