CONTACT TRACING RATIO MABABA PA RIN -DOH

NANANATILING mababa ang contact tracing ratio sa bansa.

Ito mismo ang naging pag-amin ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire kung saan hindi pa aniya nakakamit ng bansa ang target na contact tracing ratio.

Sinabi ni Vergeire sa ngayon kasi nananatili sa 1:6 ang contact tracing ratio sa bansa.

Nangangahulugan ito na sa kada isang nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ay anim lamang ang “contacts” o mga indibidwal na nakasalamuha ng isang COVID-19 positive, ang natutukoy ng Department of Health (DOH).

Gayong nasa 27 hanggang 26 ang contacts na dapat na natutukoy sa kanilang ikinakasang contact tracing.

Samantala, tiniyak  ni Vergeire na kumikilos na ang Department of the Interior and Local Government (DILG) upang paigtingin pa ang contact tracing efforts sa bansa. DWIZ882

One thought on “CONTACT TRACING RATIO MABABA PA RIN -DOH”

Comments are closed.