CONTACT TRACING SA 2 PASYENTE NG DELTA VARIANT

PATULOY ang pagsasagawa ng tracing ng pamahalaang lokal ng Pateros sa mga nakasalamuhang close contacts ng dalawang pasyente na may Delta variant ng coronavirus disease o COVID-19 sa munisipalidad.

Noon lamang nakaaang Biyernes ay inihayag ng Department of Health (DOH) na ang Pateros ay may dalawang kaso ng highly contagious variant ng SARS-CoV-2, ang virus na nagdudulot ng COVID-19.

Gayunpaman, nilinaw ng DOH na hindi lamang sa naturang munisipalidad ang nagkaroon ng Delta variant kundi ang lahat ng lungsod o local government units (LGUs) sa Metro Manila ay mayroon ng kaso ng Delta variant.

Sinabi ni Pateros Mayor Miguel “Ike” Ponce III na matapos na makumpirma ang Delta variant ay agad niyang ipinag-utos ang pagpapaigting ng contact tracing sa mga nakasalamuha ng dalawang nagpositibo sa Delta variant gayundin ang pagmomonitor sa mga ito dahil alam nilana ito ang pinakakinatatakutan sa lahat.

Itinanggi naman ng alkalde na ang kaso ng Delta variant sa Pateros ang naging dahilan ng surge ng COVID-19 cases sa munisipalidad gayundin sa Metro Manila.

Sa report ng munsipalidad ng Agosto 4, nakapagtala ang munisipalidad ng aktibong kaso ng COVID-19 ng biglang pagtaas na 207 kumpara sa 65 lamang noong Hulyo 28 o pagtaas ng 218.46 porsiyento, sa kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso na 4,992 na mayroong 4,718 recoveries at 67 na mga namamatay. MARIVIC FERNANDEZ

18 thoughts on “CONTACT TRACING SA 2 PASYENTE NG DELTA VARIANT”

Comments are closed.