CONTAINER VAN GAGAWING ISOLATION FACILITIES

CONTAINER VAN

INAAPURA na ng mga manggagawa ang pagsasaayos ng 30 40-footer container van na nasa loob ng Centennial Park sa Navotas City upang magsilbing karagdagang isolation facilities na ilalaan sa may mild cases ng COVID-19 sa lungsod.

Nauna nang iniulat ng City Health Deparment kay Mayor Toby Tiangco na puno na ang dalawa nilang community isolation facilities sa Navotas National High School at Navotas Polytechnic College na parehong may tig-210 beds matapos lumobo ng husto ang bilang ng mga na residenteng nagpo-positibo sa COVID-19.

Dahil dito, agad naman na tinugunan ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases ang pag­hingi ng ayuda ni Tiangco na kung saan ay binigyan ito ng 200 slots sa dalawang isolation facilities sa Philippine Arena at World Trade Center.

At sakaling matapos ang karagdagang isolation facilities sa loob ng Centennial Park, hindi na kinakailangang ilabas pa ng lungsod ang mga Navotenos na magpopositibo sa virus at sa mga container van na ginawang isolation facility na muna sila mananatili habang nagpapagaling. EVELYN GARCIA

Comments are closed.