CONTAINER VANS KAKABITAN NG GPS

BOC

IPINA-ACTIVATE ng Bureau of Customs (BOC) ang Electronic Tracking of Containerized Cargo system (E-TRACC) upang mabantayan at masigurong  makararating ang mga  container van sa mga final destination nito.

Ang pagkaka-activate nito ay batay sa isang memorandum order na ipinalabas ng ahensiya upang maiangat ang border security at cargo monitoring sa pamamagitan ng paggamit ng modernong teknolohiya.

Ang E-TRACC monitoring center ay ang responsable at makaka-detect sa kinaroroonan ng container, habang nasa daan patungo sa kanilang destinasyon, sa pamamagitan ng GPS, na nakakabit sa Piers Inspection division sa mga port.

Ayon pa sa BOC, ang E-TRACC monitoring center ay tinatawag na isang state-of-the-art facility dahil ito ang magsisilbing central monitoring tracking ng container cargoes sa buong bansa.

Ang E-TRACC  ang magiging kaagapay ng ahensiya sa pag-monitor sa mga on transit container upang makasiguro na makararating sa paroroonan ang mga ito.

Samantala, ilan ang tila hindi kumbinsido sa E-TRACC na ito , dahil  anila habang nasa puwesto ang mga coorrupt na kawani ng BOC ay malaki pa rin ang posibilidad na hindi makarating ang mga container sa patutunguhan.

Dagdag pa ng isang insider,  ilan sa mga tauhan ng ESS, CIIS at examiners  ang kasabwat ng mga smuggler sa ilegal na pagpapalabas ng kanilang mga kargamento kaya malayang nakaluusot ang kanilang mga kargamento sa bakuran ng BOC. FROILAN MORALLOS

Comments are closed.