Idinagdag ng Technical Education and Skills Development Authority (Tesda) ang kursong “content creation” sa listahan ng its kanilang vocational training centers courses bilang tugon sa pagdami nito sa mga online platforms, na nagbibigay ng malaking kita sa mga gumagawa nito.
Ayon Kay Tesda Secretary Suharto Mangudadatu, lumikha ang ahensya ng competency standards sa content creation for social media na pwedeng gamitin ng mga institutions para sa kanilang training programs.
“Virtual networks and communities have enabled us to connect with our audience, build brand awareness and strengthen engagement. However, the effectiveness of our efforts relies heavily on the quality and relevance of the content we share,” ayon Kay Mangudadatu.
Malaki umapo ang livelihood opportunities sa content creation kaya dapat lamang na maging well-equipped ang mga content creators sa skills at mga kaalamang kailangan upang makapag-produce ng “compelling and engaging content.”
Sa pagkakaroon ng kursong content creation sa vocational education institutions, nakalilikha ng “livelihood opportunities” para sa lahat, bata man o senior citizens, sa sarili mismo nilang bahay.
Pagdating sa competency standards, kung saan sinusukat ang “acceptable work performance” ng mga skilled workers, sa pakikipagtulungan ang Kapisanan ng Social Media Broadcasters ng Pilipinas Inc.
Sa 57-page competency standards ng nasabing kurso, sinabi ng Tesda na ang mga estudyanteng mag-e-enroll sa kursong content creation ay ie-evaluate batay sa ginawa nilang main core competencies: “creating concepts for social media posting, translating concepts into multimedia content and propagating content.”
Inaasahang makakasunod ang mga estudyante nito sa “latest social media trends and related facts,” at matututong sumulat ng content sa social media. Itinuturo din sa nasabing kurso ang equipment preparation, recording and streaming of content, at editing of photo, video and audio.
Para naman sa pagpapalaganap ng content, ituturo rin ang marketing and community management sa mga mag-aaral.
“Basic competencies,” on the other hand, include working in a diverse environment; applying critical thinking and problem-solving techniques; using information “systematically;” and facilitating entrepreneurial skills for micro, small, and medium enterprises (MSMEs),” Sabi pa ni Mangundadatu.
Base sa kasalukuyang industry estimates, ang mga content creators na may milyong with following ay minamani lamang ang kitang P100,000 hanggang P150,000 sa isa lamang social media post.
Yung wala pang isang milyon ang followers ay nakataranggap naman ng P50,000 hanngang P80,000, habang ang mga content creators na kokonti lamang ang following ay nababayaran mula P25,000 hanggang P40,000.
TESDA Online COURSES LIBRE
Libre ang pag-aaral sa TESDA at makapipili ng kursong nais mo depende sa iyong kakayahan.Ipino-promote nila ang mga online courses tulad ng: 21st Century Skills (content creation); Agriculture; Automotives & Land Transportation; Construction; Electrical & Electronic; Entrepreneurship; Gender and Development; Heating, Ventilating, Airconditioning & Refrigeration Technology; Human Health/ Healthcare; information & communication technology; Lifelong learning skills; Maritime; process food and beverages; social/community development; at Tourism.
JAYZL VILLAFANIA NEBRE