UPANG mapalakas at mahasa ang mga kabataan sa sports magsisimula na ang opening ceremony ng Continental gas cup 2024 basketball tournament na gaganapin sa darating na Sabado, Hunyo15 sa ganap na alas-12 ng tanghali sa Rockville 1 Subdivision covered court, Barangay San Bartolome, Quezon City.
Makikiisa sa pagbubukas nito ang actress at dating miyembro ng Viva hot Babes na si Maui Taylor at social media influencer na si boss Toyo.
Sinasabing ito na ang pinakamalaking liga sa Barangay San Bartolome na inorganisa nina Commissioner Ana Leah Francisco-Castro at Assistant Commisioner Jon Jon Francisco.
Kaugnay nito, maglalaban-laban ang nasa walumpung teams para masungkit ang kampeonato mula sa iba’t ibang dibisyon.
Samantala, noong nakaraang buwan ay isinagawa naman ang opening ceremony ng continental gas cup 2024 volleyball tournament kung saan ay sinalihan ng higit sa dalawpung kalahok na mula sa iba’t-ibang kategorya.
Nabatid na ang paligang ito ay isinagawa, para mas mapalakas at mahasa pa ng mga manlalaro ang kanilang talento pagdating sa paglalaro ng basketball at volleyball.
Nais din ng mga commissioner na may mapaglibangan ang mga kabataan at iba pang kalahok ngayong bakasyon at mailayo din sila sa mga bisyo tulad ng droga. EC