ILULUNSAD ng Department of Transportation (DOTr) at Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang gagamitin bilang contact tracing app ng Manila International Airport Authority (MIAA) at sa iba pang paliparan sa bansa.
Ayon sa impormasyon, ang contact tracing app na ito ay na-develop o nadiskubre ng Philippine Ports Authority (PPA) at ng Cosmotech Philippines, Inc., at ayon sa report ito ay agad na ipatutupad sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), Clark Internal Airport (CRK), Mactan-Cebu International Airport (MCIAA), at Davao International Airport (DIA) at iba pang airport.
Ayon kay DOTr Secretary Arthur Tugade, lahat ng arriving at departing passengers sa mga airport ay nire-require o inoobliga na mag-download ng app sa kanilang mga mobile phones bago magpunta sa mga airport.
Nabatid ng mga ito sa PPA na ang Traze app, na ito ay magagamit sa lahat nnuri ng transportasyon upang mapalakas ang kampanya ng gobyerno sa pagsugpo sa sakit sa pamamagitan ng agarang pagkikilala sa indibidwal na nagkaroon ng ugnayan sa COVID 19-positive patients.
Ang pasahero na walang mobile phone ay kinakailangang magtungo sa Malasakit Helpdesk sa airport para sa registration assistance para makakuha ng unique QR code
Kinakailangan din ng mga pasahero na mag-scan ng QR codes sa mga designated areas sa airport. “Once a COVID-19 positive patient is identified, an in-app notification will be sent to individuals who may have had contact with the patient so they may immediately observe self-isolation procedure, and other health and sanitation precautionary measures.”
Ito ay bilang pagsunod sa Republic Act (RA) 1017 o Data Privacy Act (DPA).
Ang Traze ay may nationwide coverage at may kumpleto itong modules para ma-trace ang bawat isa kahit nasa trabaho, sa sasakyan katulad ng trains, barko, airplanes, jeepneys, taxis, PUVs, at kahit nasa loob ng tricycles. FROILAN MORALLOS
Comments are closed.