PIKT matang atake ni Kamron Fleming ng Converge laban kay Alvin Pasaol ng Meralco sa PBA Philippine Cup sa Philsports, Pasig. Kuha ni RUDY ESPERAS
Mga laro sa Miyerkoles:
(Ninoy Aquino Stadium)
4:30 p.m. – NorthPort vs Terrafirma
7:30 p.m. – TNT vs Phoenix
SINANDIGAN ni Bryan Santos ang 104-99 panalo ng Converge laban sa Meralco upang putulin ang kanilang 12-game losing skid sa PBA Philippine Cup nitong Linggo sa Philsports Arena sa Pasig.
Nagpakawala si Santos ng 22 points, kabilang ang pitong triples, at pumasok ang FiberXers sa win column at naitala ang kanilang unang panalo magmula noong Disyembre ng nakaraang taon.
Tabla ang laro sa 97 sa 3:32 mark ng fourth period bago binigyan ng triple ni Santos ang Converge ng kalamangan sa mga huling minuto ng laro.
Nagdagdag si Alec Stockton ng 20 points, habang nagsalansan si Justin Arana ng 18 points, 7 rebounds, at 7 assists pars sa Converge na umangat sa 1-8.
Nagtala si Chris Newsome ng 25 points, habang nag-ambag si Chris Banchero ng 20 points para sa Meralco na nahulog sa 3-5.
CLYDE MARIANO
Iskor:
Converge (104) – Santos 22, Stockton 20, Arana 18, Winston 14, Delos Santos 10, Caralipio 9, Maagdenberg 4, Melecio 4, Nieto 2, Fleming 1, Fornilos 0.
Meralco (99) – Newsome 25, Banchero 20, Black 19, Hodge 10, Quinto 9, Caram 6, Bates 5, Pasaol 5, Rios 0, Pascual 0, Maliski 0, Torres 0.
QS: 23-25, 42-53, 77-77, 104-99.