CONVICTED RAPISTS, MURDERERS IPATAPON SA WEST PH SEA

west philippine sea-3

MAS makabubuti kung ipatatapon na lamang ang mga convicted rapist at murderer sa West Philippine Sea.

Ito ay ayon kay Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar sa gitna ng isyu ng implementasyon ng Good Conduct Time Allowance (GCTA).

Aniya, kung ito ang paraan na gagawin ay madaling maihihiwalay ang mga preso na nakagawa lamang ng magaan na kasalanan sa mga sangkot sa heinous crimes.

Matatandaang ilang beses na iminungkahi na magkaroon ng animo’y “alcatraz system” kung saan ay ilalagay sa isang isla ang kulungan ng mga preso.

Ang alcatraz ay isang dating military prison sa San Franciso Bay sa Amerika na naging kulu­ngan ng mga hinatulan ng pagtataksil noong panahon ng civil war.

Samantala,  sinabi naman ni dating Press Secretary Rene Saguisag na walang hurisdiksyon ang Malakanyang para ipag-utos ang pag-aresto sa mga convict na napalaya sa ilalim ng GCTA.

Ayon kay Saguisag, ang korte at hindi ang gob­yerno ang dapat nagpapalabas ng re-arrest order.

Hindi aniya katulad ng panahon ng martial law, walang karapatan ang Pa­ngulo sa ngayon na ipagkait ang kalayaan ng mga napalaya na. DWIZ882

Comments are closed.