COO SASABAK SA OLYMPIC BMX QUALIFICATION SA COLOMBIA

Patrick Coo

SISIKAPIN ni Patrick Coo na maging pinakabatang miyembro ng Team Philippines sa kanyang pagsabak para sa isang puwesto sa Tokyo sa International Cycling Union (UCI) World Cup Round 4 Olympic qualifier sa Bogota sa Mayo 30.

Tutungo si Coo, 19, sa Colombian capital kasama sina PhilCycling coaches Ednalyn Hualda at Frederick Farr sa Martes, Mayo 11, dahil lahat ng mga kalahok sa Olympic qualifier ay kailangang mag-quarantine sa loob ng 14 na araw.

“I am very much motivated and excited to go after that slot [to the Tokyo Olympics],” wika ni 2019 Asian BMX juniors champion Coo, na ang amang si Benjamin ay taga-Iloilo at ang kanyang inang si Romalyn ay nagmula sa Cagayan de Oro City.

Si Coo ay nag-iisang kinatawan ng Filipinas sa Colombia makaraang hindi makapaghanda si London 2012 Olympian Daniel Caluag para sa qualifier dahil sa kanyang trabaho bilang frontliner nurse sa Kentucky.

“When Danny won, I was motivated to race for the Philippines,” sabi ni Coo, patungkol sa pagwawagi ni Caluag  ng nag-iisang gold medal ng bansa sa Incheon 2014 Asian Games na nagbigay sa kanya ng Athlete of the Year award mula sa Philippine Sportswriters Association. Si Coo ay 12-anyos lamang noon.

“We are hoping for Patrick to qualify for the Tokyo Olympics not only because of his potentials to become a champion, but because of his passion and movitation—he trains endlessly,” pahayag ni Philippine Olympic Committee president Rep. Abraham ‘Bambol’ Tolentino, na siya ring head ng PhilCycling.

Para magkuwalipika sa Tokyo, kailangang tumapos ni Coo sa hindi bababa sa ika-4 na puwesto sa Colombia.

Buo ang suporta ng Philippine Sports Commission (PSC) sa kampanya ni  Coo kung saan umaasa rin si chairman William Ramirez na sasamahan ng   BMX athlete sina  weightlifter Hidilyn Diaz, gymnast Carlos Yulo, pole vaulter EJ Obiena at boxers Eumir Felix Marcial, Nesthy Petecio, Carlo Paalam at Irish Magno sa July 23-August 8 Olympics.

Bilang isang eight-year-old ay nakopo ni Coo ng Bellflowere, California ang kanyang unang state championship. Nag-wagi rin siya ng apat na national age-group, 12  state at tatlong western division titles sa US.

“I train hard all the time, but I am expecting tough opponents in Colombia,” ani Coo. CLYDE MARIANO

One thought on “COO SASABAK SA OLYMPIC BMX QUALIFICATION SA COLOMBIA”

  1. 946371 462664My brother suggested I would possibly like this weblog. He was once entirely proper. This submit truly made my day. You cant believe just how so a lot time I had spent for this data! Thank you! 510752

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *