COOL TEEN FASHION IDEAS

FASHION IDEAS-4

NATATAGALAN ang maraming teens sa paghahanap ng outfit o susuotin sa tuwing aalis ng bahay. MayFASHION IDEAS-5 mga pagkakataon kasing gustong maging maganda ang look. Sino nga naman ang may gustong lumabas ng bahay nang gulo-gulo ang buhok o pangit ang hitsura at outfit.

Ngunit madalas din, nahihirapan ang kahit na sino sa pag-iisip o pag­hahanap ng maisusuot. Bukambibig pa naman ng halos lahat ng kababaihan ang “walang maisuot” kahit pa sandamakmak na damit o outfit ang mayroon sa kanyang closet.

Sa totoo lang, hindi naman talaga maiiwasang masabi nating “wala tayong maisuot” kahit pa halos pumutok ang closet natin sa dami ng damit na mayroon tayo. Sabihin mang mayroon tayong sandamak­mak na damit ngunit may mga panahon ka­sing naghahanap tayo ng kakaiba at feel nating suotin.

At dahil nga isa ang paghahanap ng maisusuot o outfit sa pinoproblema hindi lamang ng teens kundi ng kahit na sino sa atin—mapababae man o lalaki, narito ang ilang cool teen fashion ideas:

COLORFUL LAYERING

Nangunguna sa ating listahan ang colorful layering. Kapag bumibili ng damit o pumipili ng outfit ang isang tao, ­unang-unang isinasa­alang-alang niyan ang kulay. Mahalaga nga naman sa atin ang pagbili ng gusto nating kulay.

At dahil isa sa mahalaga o laging isinasaalang-alang ang kulay sa pagbili ng outfit, swak na swak dito ang colorful layering. Ibig sabihin, ang mga makukulay na­ting damit ay maaari na­ting i-layer.

Isa sa fashion trend at perfect na perfect din sa kahit na sino—bata man o matanda, ay ang layering. Kaya kung hirap kang maghanap ng maisusuot, subukan ang colorful layering at tiyak na magiging kakaiba at makulay ang iyong outfit.

DENIM JACKET

DENIM JACKETKahit na anong araw, kahit na anong oras at kahit na anong panahon, mapapansin natin ang marami na nagsusuot ng denim jacket. Napakarami rin naman kasing binabagayan ang nasabing outfit.

Isa rin kasi ito sa masasabing accessory na mayroon ang kahit na sino. Napakadaling suotin at bagay na bagay rin sa kahit na si-no.

Kaya sa teens diyan, siguraduhing may denim jacket kayo sa inyong wardrobe.

GIRLY DRESS

Puwede nga ba namang mawala ang girly dress sa kinahihiligang outfit ng teens?

Isa rin ang girly dress sa paborito ng maraming teens. Bukod sa madali lamang itong suotin, maraming okasyong binabagayan ay napakakomportable pa nito. Puwede rin itong paresan ng closed shoes, sandals, sneakers at heels.

Ilan naman sa magandang design at kulay na maaaring subukan ng teens ay ang floral pattern at iyong may mga lace. Napaka-elegante rin kasing tingnan ng damit o dress na may lace. Samantalang ang mga floral pattern naman ay maganda sa paningin at pakiramdam.

PAGSUSUOT NG BELT AT ACCESSORIES

Pampaganda rin ng look ang pagsusuot ng belt. Hindi lamang naman ito sinusuot upang sumikip o hindi mahubad ang pantalon. Ginagamit din itong pan-design o pampaganda ng look.

Hilig din ng ma­rami sa atin ang accessory. May ilan na hindi makalalabas ng bahay nang hindi nakapagsusuot ng hikaw, kuwintas o kaya naman relo. Gaya rin ng belt ay nakapagpapaganda rin ito ng outfit at kabuuan.

Pagdating naman sa accessory, maraming mapagpipilian sa merkado na babagay sa iyong outfit, gayundin sa iyong personalidad. May mga swak din sa budget.

SCARF

SCARFIsa rin sa magandang suotin o pampaganda sa outfit ay ang scarf. Hindi nga lang naman ito ginagamit kapag malamig o mainit ang panahon. Maraming kulay at design na rin ang puwedeng pagpilian ng marami sa atin.

Marami ring paraan kung papaano susuotin ang scarf base sa iyong suot na outfit.

CROP TOP

Isa pa sa kinahihiligang suotin ng marami ang crop top. Sexy nga naman itong tingnan. Bagay rin itong i-partner o ipares sa leggings. Puwede rin itong patungan ng denim jacket. Puwede rin dito ang shoes o heels.

ANIMAL PRINT SKIRTS

Isa rin sa stylish at cool tingnan ang print skirts kaya’t swak din itong kahiligan ng teens. Ibig sabihin, isa ito sa hindi dapat mawala sa closet ng kahit na sino. Fashionable at trendy rin ito.

Napakarami rin ng klase ng animal print na puwedeng pagpilian. may iba’t iba ring kulay at haba na swak sa personalidad ng magsusuot.

Ilan lamang ang mga nakalista sa itaas ang maaaring subukan ng teens sa mga panahong wala silang maisip o gusto nilang maging cool ang kanilang outfit.

Sa totoo lang, lahat naman ng outfit ay maganda at cool lalo na kung bagay ito sa nagsusuot.

Higit din sa lahat, para rin maging maganda ang outfit at kabuuan, siguraduhin ding may tiwala ka sa iyong sarili. Dahil habang mayroon kang tiwala sa iyong sarili, tiyak na mamumukod-tangi ka sa lahat. CT SARIGUMBA

Comments are closed.