Pansamantalang ipinahinto ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang cooling system chillers 1, 2 at 4 ng Ninoy Aquino International Airport Authority (NAIA) terminal 3 matapos tumaas ang temparatura ng mga ito.
Bilang precautionary measures, at maiwasan na magkaroon ng malaking sira o damage, under observation ang mga ito, at kasalukuyang isinasagawa ang descaling, cleaning, at ang tinatawag na swabbing procedures sa mga apektadong parte ng chillers upang maibalik sa normal operation.
Naglagay naman ang MIAA ng mga cooling fan sa ibat-ibang lugar o sa mga apektadong parte ng airport.
Inaasahan na matatapos ang isinasagawang troubleshooting ngayong umaga kasabay ng paghiling ng pamunuan sa mahabang pasensiya ng mga pasahero.
Pinapayuhan ang mga ito na magsuot ng komportableng damit pagpunta sa airport para hindi masyadong makaramdam ng init.
FROILAN MORALLOS