NAGPAHAYAG ng suporta si Philippine Charity Sweepstakes Office Chairman Junie E. Cua hinggil sa paglikha ng isang coordinating council para sa batas ng Universal Health Care, na nagsasabing ito ay makatutulong na matiyak na ang batas ay naipapatupad nang maayos.
“The coordinating council will be helpful in assessing the UHC law’s effectiveness, which gaps need to be addressed, and which strengths can be replicated,” ani Cua.
“Amid the various barriers that have been identified in the implementation of the UHC, the council could provide a strategy that ensures the system is working well,” dagdag pa ni Cua.
Sinabi ni Department of Health Sec. Teodoro Herbosa kamakailan na sinabi ni Pres. Ferdinand Marcos, Jr., inaprubahan ang paglikha ng council, na magsisilbing governing body na mangangasiwa sa pagpapatupad ng UHC law, ang tinatayang kabuuang halaga ng pambansang gastos para sa UHC, at ang pagpapatupad ng UHC sa lokal na pamahalaan.
Nabatid na pamumunuan ng DOH ang nasabing coordinating council kasama ang Department of the Interior and Local Government bilang co-chair nito.
Kabilang din sa konseho ang mga sumusunod na ahensya: Department of Information and Communications Technology, Department of Budget and Management, Department of Finance, Philippine Health Insurance Corporation, Philippine Regulation Commission, National Economic and Development Authority, Technical Education and Skills Development Authority, Commission on Higher Education and Department of Education.
Binigyang-diin ni Cua ang kahalagahan ng malapit na pakikipag-ugnayan sa mga lokal na yunit ng pamahalaan habang pinagsama nila ang kanilang mga sistema ng healthcare systems.
“Mahalaga ang constant communication and close coordination sa pagitan ng national government at LGU. What we want is to achieve the right balance between standardized policies and the individual context of each LGU,” ayon kay Cua na dating nagsilbing governor at congressman sa Quirino Province.
Sa panig naman ng PCSO, nangako naman si Cua na sisikapin nilang makakuha ng mas maraming kita para madagdagan ang kontribusyon nito sa pondo ng UHC.
“Our rallying cry is to continue to strive for more revenue so we can help more Filipinos through our contribution to the UHC,” ani Cua.
Ang ahensya ay inaatasan na maglaan ng 40 porsiyento ng charity fund nito upang tumulong sa pag-subsidize sa UHC.
Nabatid na nag-turn over ang PCSO ng P471.5 milyon sa Philippine Health Insurance Corp. noong nakaraang buwan para sa kontribusyon nito para sa ikatlong quarter ng 2023.