COPA NAGSAGAWA NG OPEN SWIM TRYOUT SA MATI CITY

ANG pagsisikap ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) na isulong ang open water swimming at makabuo ng training pool na sasanayin para sa internasyonal na kompetisyon ay  umani ng suportra sa pagsasagawa ng 1st National Open Water Swimming Tryouts na inorganisa kamakailan ng Congress of Philippine Aquatics (COPA) Region XI sa Pujada Bay sa Dahican, Mati City sa Davao Oriental.

Nakilahok sa kompetisyon ang mga kabataan mula sa iba’t ibang lalawigan sa bansa para sumabak sa  1km, 3km (Pujada Bay Swimfesf), at 5km at 10-m marathon para sa national tryout.

Sa gitna ng malalakas na hampas ng alon, ipinakita ng mga kalahok sa Junior category ang kanilang katapangan at determinasyon sa pagkumpleto ng kani-kanilang karera.

 Sa 5km distance, ang mga kandidato para sa national training pool ay sina (Male) Roy Angelo Ardion Rodriguez (14-15), Rafael Miguel G. Cruz (16-17), Paolo Miguel Labanon (18-19), at Eirron Seth B. Vibar (20-over), (Female) Graziella Sophia Reyes Ato (14-15), Althea Margarette Capitan Lagunay (16-17), Athena Shannessa Litam Chang (18-19) and Hannah Drelyn Isla Sanchez (20 -over).

Sa 10km ay sina (Male) Prince Jacob Ramos Ynion (14-15), Rafael Miguel Galvez (16-17), Paolo Miguel Labanon (18-19), Eirron Seth Vibar (20-over); (Female) Athena Shannessa Litam Chang (18-19).

Ang kompetisyon ay suportado ng Pamahalaang Panlalawigan ng Davao Oriental, sa pamumuno ni Governor Niño Uy, katuwang ang Pamahalaang Lungsod ng Mati, Philippine Aquatics Incorporated (PAI), MadWave Philippines, Provincial Sports and Youth Development Office, Engr. Ging Rodriguez, Engr. Jonathan Rodriguez, at Technical Consultant Maria Gracia Ging-ging Tiago.                      

CLYDE MARIANO