IPAGPAPATULOY ng Congress of Philippine Aquatics (COPA) ang grassroots development program nito sa pagdaraos ng One for All, All for One Swim Series Leg 3 sa April 14 sa Teofilo Ildefonso swimming pool sa loob ng Rizal Memorial Sports Complex sa Malate, Manila.
Ayon kay tournament director Chito Rivera, ang kumpetisyon ay bukas sa lahat ng young swimmers anuman ang kanilang affiliation sa swimming clubs o organizations.
“Since Day 1, when the Philippine Olympic Committee and World Aquatics recognized the Philippine Aquatics, Inc. (PAI) as a legitimate swimming association in the country, PAI’s program has promoted grassroots development. We campaign for inclusivity and not exclusivity,” wika ni Rivera, na nagsisilbing executive director ng PAI.
Ang mga estudyante mula sa public schools at walang regular swimming clubs ay maaaring lumahok sa torneo nang libre.
“Just bring proof that they are enrolled in the school and their participation fee is free,” sabi ni Rivera, na siya ring presidente ng Samahang Manlalangoy sa Pilipinas (SMP).
Dagdag pa niya, ihahanda rin ng torneo ang mga swimmer para sa PAI national tryouts para sa Southeast Asian Age Group Championship, na nakatakda sa Disyembre sa Bangkok, Thailand.
Inaasahan ding lalahok ang top juniors ng bansa sa swim series leg 3 na inorganisa ng COPA, na pinamumunuan ni Batangas 1st District Rep. Eric Buhain.
CLYDE MARIANO