COPRA MATAAS ANG PRESYO KAHIT MABABA ANG DEMAND

Copra

NAGSAGAWA ng deal ang Department of Agriculture (DA) sa government-owned oil management group para madagdagan ang mill gate buying price ng copra sa PHP20 bawat kilo.

Inanunsiyo ito ni Coconut Industry Investment Fund (CIIF) president Lino Trinidad noong magkaroon ng isang konsultasyon sa DA at coconut farmers and stakeholders sa Quezon City kamakailan.

Bagama’t magandang balita, ang pagtataas ay kulang pa rin ng PHP5 piso sa naunang demanded price ni Agriculture Secretary Manny Piñol.

“Trinidad said it is the best they could offer given the very low market prices of coconut oil in the world market,” lahad ni Piñol sa kanyang Facebook.

Sa naturang konsultasyon, inanunsiyo ng DA na handa itong maglaan ng pautang sa mga organized coconut farmers’ group, na puwede nilang magamit sa pagbili ng kanilang produkto ng kanilang miyembro at trak para magkarga ng kanilang kopra papuntang oil mills.

Ito ay habang nagtataas ng transport cost ang mga magsasaka at ang distansiya sa pagitan ng sakahan at oil mills na nagpahina ng loob para magbenta ng direkta sa oil mills.

Inalok din ng DA ng maximum na PHP50,000 loan sa ilalim ng Production Loan Easy Access para sa coconut farmers na mag-agamit sa pagsisimula ng gagawing pangkabuhayan para sila ay maging matatag habang ang presyo ng copra ay mababa.

Binigyan ni Piñol ng direktiba ang Philippine Coconut Authority na kilalanin at magkaroon ng balidasyon ang lahat ng coconut farmers associations at kooperatiba para mabigyan ng pasilidad ang pagbibigay ng pautang.   PNA

Comments are closed.