CAMP CRAME – INAMIN ng Philippine National Police (PNP) na hindi agad makakasuhan ang mga pulis na kasama sa ibinunyag na drug matrix ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ay dahil nasa estado pa ng case building up laban sa umano’y aktibong pulis na pinangalanan ni Pangulong Rodrigo Duterte kaya malabo pang masampahan ng kaso ang mga ito.
Ayon kay PNP Spokesperson, Chief Supt. Benigno Durana, hindi maaaring maging batayan sa korte ang mga intelligence report na sangkot ang mga ito sa transaksiyon ng ilegal na droga.
Subalit, naniniwala si Durana na may matibay na pinagbatayan ang Pangulo sa paggawa ng drug matrix.
Sa ngayon, aniya, ay magpapatuloy ang kanilang imbestigasyon upang makapangalap ng matibay na ebidensiya laban sa mga aktibong pulis
Batay sa inilabas na drug matrix, isinasangkot ang mga aktibong pulis na sina Sr. Supt Leonardo Suan, Insp. Conrado Caragdag, Sr. Insp. Lito Pirote, Supt. Lorenzo Bacia, at SPO4 Alejandro Liwanag sa transaksiyon ng ilegal na droga. R. SARMIENTO
Comments are closed.