IPINAHAYAG ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año na ang Cordillera Administrative Region (CAR) at Cagayan Valley ang mga rehiyon na nangunguna sa may pinakamaraming lugar na nakasailalim ngayon sa granular lockdowns.
Sa Talk to the People ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Lunes ng gabi, sinabi ni Año na mula sa kabuuang 807 areas na nasa ilalim ng granular lockdown, 242 ang matatagpuan sa CAR at 212 naman sa Cagayan Valley.
Sinundan naman ito ng mga rehiyon ng National Capital Region (169 areas na naka-lockdown); Ilocos Region (165) at Mimaropa (19).
“In the entire country, 31 LGUs (local government units) have so far conducted granular lockdowns. This involves 296 barangays and 807 (areas) are now under granular lockdown,” ayon pa sa ulat ni Año sa Pangulo.
Aniya, apektado nito ang may 1,111 households at 2,145 mga indibidwal.
Tiniyak naman ng DILG chief sa Pangulo na pinaigting na ngayon ng mga LGU at ng Philippine National Police (PNP) ang monitoring sa compliance o pagtalima sa health safety protocols sa mga pampublikong lugar.EVELYN GARCIA