CORDING ROTATION 

SABONG NGAYON

BY THE TIME na nakatali na ang ating mga stag, importante na linggo-linggo ay iba’t iba ang katabi niya sa talian para masanay sila na kahit saang lugar sila dalhin  ay hindi sila nenerbiyosin kasi nga territorial in nature ang ating mga manok.

“Dapat ang stag kasing edad din ang katabi nila at huwag muna isasama sa talian ng mga magugulang na manok lalo na sa unang araw pa lang ng pagtatali kasi malakas makanerbiyos sa kanila na puwedeng maging dahilan na sila ay tuluyan na masira,” sabi ni Doc Marvin Rocafort ng El Campeon Conditioning Camp.

“Huwag na huwag mong hayaan na bigyan sila ng dahilan na ipatalo ka!” dagdag pa niya.

Sinabi rin ni Doc Marvin na importante na may pahila ang mga naging huli na stags para masanay agad sila bago ilagay sa talian o cording area.

“At the age of 5-6 months puwede na po mag-start mag-harvest ng stag, importante maglagay ng pahila sa kanang paa pagkahuli sa range area o pagalaan para ‘di siya manibago sa cording para maiwasan ang pamimilay,” sabi pa ni Doc Marvin.

“At dapat po ready ang paglalagyan o stag pen facilities muna bago ang manok para scientific ang paglaki kasi habang sinasanay siya  na may tali sa paa ay malaya pa rin siyang nakakatakbo at lipad. Mahirap po kung diretso na agad siya na itatali, kalimitan po ay nagkakanerbiyos siya. Kung ano ang alaga mo sa manok mo ay iyon din lang ang ibibigay nya sa iyo,” dagdag pa niya.

Samantala, ang mga cockerel o tatyaw sa edad 4-5 months ay nangangasta na pero ito rin ‘yung critical age na sila ay nagde-develop ng built ng kanilang katawan at hanggang 6 months ay mina-maximize ang kanilang pagtangkad.

“Pagdating ng 7 months ang edad,  tigil na sila sa pagtangkad at lahat ng kinakain nila ay pupunta na lamang sa kanilang pangangatawan para bukang- buka ang buong katawan na malambot ang hipo.Ang ideal age para sa akin na siya ay gamiting broodstag o ganador ay 8-9 months para solid na ang kanilang pangangatawan at nakikita mo na ang kanilang full potential sa sparring,” ani Doc Marvin.

“Ang isang stag na panlaban kung quality ang linyada ay nasa kalakasan/peak ang kanyang abilidad sa pakikipaglaban o fighting ability sa edad na 9-10 months, kabilisan at sariwang-sariwa po siya sa ganoong edad,” dagdag pa niya.

Comments are closed.