CORN STOCKS INVENTORY TUMAAS

UMABOT sa 602.14 thousand metric tons ang kabuuang corn stocks inventory ng bansa hanggang Abril 1, 2024, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Nagtala ito ng annual increase na 21.2 percent mula 496.74 thousand metric tons level sa kaparehong panahon noong 2023.

Ang corn stocks inventory ay tumaas din month-on-month ng 10.1 percent mula sa inventory na 546.90 thousand metric tons sa naunang  buwan.

Mula sa kaparehong buwan noong nakaraang taon, ang corn stocks inventory sa commercial sector ay nagtala ng annual increase na 29.6 percent. Samantala, ang corn stocks inventory sa households ay bumaba ng 10.8 percent.

Kumpara sa inventory level noong March 2024, ang volume ng corn stocks sa household at commercial sectors ay nagtala ng month-on-month increases na 72.1 percent at  3.4 percent, ayon sa pagkakasunod.

Nasa  84.8 percent ng kabuuang  corn stocks inventory sa naturang buwan ang nagmula sa commercial sector, habang ang nalalabing  15.2 percent ay mula sa households.