HUWAG namang maging harsh at sabihing isang maliit na departamento lang ang HRD o Human Resource Department sa isang kompanya.
Dahil napakalaki ng ginagampanan nito upang maging produktibo ang isang empleyado at kompanya.
Maling-mali ring isantabi ang HR dahil kung tatanungin na “what is the hardest thing about being in HR?” Aba, lahat ng departamento at paggabay sa empleyado ay sangkot sila.
Aminin na ng iba na hindi lahat ng tao ay naa-appreciate ang HR.
Subalit sila ay kasahog sa lahat ng function ng isang kompanya.
Una, recruitment. Sila ang maghahanap ng competent employee sa isang departamento at kapag hindi epektibo o mali ang kinuhang tao, sila ang mananagot.
May mali ba sa screening? Nakapasa ba sa examination o may kulang sa briefing?
Kaya ang expertise ng isang HR personnel at recruitment head ang magdudulot ng magandang performance ng isang departamento at kabuuan ng kompanya.
Pangalawa, concierge na rin ang HR dahil nagmimistula na silang help desk ng mga boss at empleyado.
Sila kasi ang custodian ng 201 file o mga info-sheets / employment record ng mga empleyado.
Ikatlo, sila rin ang police station ng kompanya. Kapag may sigalot sa pagitan ng empleyado at maging sa boss, sila ang mamamagitan at magpapaliwanag.
Ikaapat, appraiser. Sila ang susuri sa performance at kung puwede ang promosyon.
Ikalima kung sila ay recruiter, sila rin ang terminator kung may grabeng kasalanan ang empleyado.
Ikaanim, empleyado rin sila.
Dapat tandaan na ang HR personnel ay empleyado rin at hindi sila amg nagdedesisyon sa takbo ng kompanya.
Dahil at the end of the day may big boss pa rin na susundin mula sa patakaran, salary increase, promosyon at maging sa termination.
Kaya naman ang HR ay mayroong Huge Role!
EUNICE CELARIO