MAGPAPATULOY ang corporate tax incentives sa ‘performance-based at time-bound basis,” ayon kay Trade Secretary Ramon Lopez, sa pagsusulong ng pamahalaan sa second tranche ng tax reforms.
Ani Lopez, ang panukalang pagbabawas sa corporate income tax rate sa 20 percent mula sa 30 percent ay magandang pang-akit sa mga potential investor.
Aniya, bukod sa mga reporma tulad ng Ease of Doing Business Law, ang pamahalaan ay nagtatayo rin ng bagong imprastraktura.
Sinabi naman ni Finance Secretary Carlos Dominguez III na sa kanyang pakikipag-usap sa mga business leader ay nalaman niyang hindi pangunahing dahilan ang tax incentives sa pag-iinvest ng mga ito.
Ibinasura, aniya, ng ilang negosyante ang kanyang alok na tax exemptions para sa BPO at incentives para sa bawat trabahong lilikhain, basta ang pasilidad ay nakatayo sa war-torn Marawi City.
Ang mga investor, dagdag pa niya, ay naaakit sa mga lugar na ligtas at may sapat na imprastraktura.
“We are creating an environment which is safe. We are investing heavily in education. We are giving free college education… We are investing in our ‘Build, Build, Build.’ We are not eliminating tax incentives for the industries that we want,” aniya.
Comments are closed.