BINIGYAN ng ‘go signal’ ni Pangulong Rodrigo Duterte si Finance Secretary Carlos Dominguez III na umpisahan nang sibakin sa puwesto sa pamamagitan ng malalim na imbestigasyon ang mga opisyal at empleyado ng Bureau of Customs (BOC) at Bureau of Internal Revenue (BIR) na sangkot sa anumang katiwalian.
Ang direktiba ng Chief Executive ay kaugnay sa ipinangako niyang uubusin ang mga ‘magnanakaw’ sa gobyerno sa natitira niyang halos isang taon sa puwesto kasunod ng batikos ng kanyang mga kritiko na halos triple ang corruptions sa kanyang pamamahala.
“Maybe this week, I signed about more documents terminating officials and employees of the BOC and the BIR, also from Department of Public Works and Highways (DPWH) and other government agencies,” sabi ng Pangulo.
Marami umanong sumbong na nakarating kay Secretary Dominguez tungkol sa namamayaning katiwalian sa BOC at BIR. Agad namang nilinis ng Palasyo ang pangalan ni DPWH Secretary Mark Villar sa pagsasabing subsob ito sa trabaho para linisin nito sa katiwalian ang kanyang tanggapan.
“The DPWH is safe. Secretary Villar is working overtime at pinagtatanggal niya ang mga tiwali sa departamento,” anang Pangulo.
Si Villar ay isa sa inaasahang mapapasama sa ticket ng administrasyon sa senatorial race sa 2022. Kinokonsidera naman ni Pangulong Duterte ang pagtakbo bilang bise presidente ngunit wala pang malinaw na pahayag kung sino kina Senator Christopher ‘Bong’ Go at Davao City Mayor Inday Sarra ang magiging standard bearer ng administration party.
May direktiba ang Malacanang kay Secretary Dominguez na ubusin ang mga corrupt sa BOC at BIR at walang dapat sinuhin sa masasangkot sa graft and corruptions.
“Ang sabi ko kina Secretary Villar at Secretary Dominguez, ilagay ninyo na lang muna sa mga opisina ninyo (freezing/floating), while we wil dig into the records to see if they have committed graft and corruptions,” dagdag ng Pangulo.
Ginawa ng Pangulo ang pahayag makaraang pasinungalingan ang akusasyon ni Sen. Manny Pacquiao na may P10 billion funds sa ilallm ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) – Social Amelioration Program (SAP) ang nawawala dahil sa korupsiyon.
Nagbanta pa si Pacquiao na marami pa siyang ibubunyag na katiwalian sa administrasyon ni Presidente Duterte at sinabing mayroon din siyang video na magpapatunay sa katotohanan ng katiwalian.
“My friends, don’t believe that P10 billion is missing, papayag ba naman ang Commission on Audit (COA)? At hindi lang’yan, papayag ba kami? Papayag ba naman ang mga sekretarya ng mga departamento na may mawala?” tugon ng Chief Executive sa paratang ng senador.
“That is a statement coming from a guy who is punch-drum,” aniya.
Inatasan din ng Chief Executive si Dominguez na makipagkoordinasyon kina BOC Commissioner Rey Guerrero at BIR Commmissioner Caesar ‘Billy’ Dulay sa pagsasagawa ng imbestigasyon laban sa mga opisyal at empleyado ng dalawang ahensiya para mabilis na masibak sa puwesto ang mga ito.
Sa BOC, sinab ng source na mahigit 100 katao ang kinasuhan sa korte dahil sa smuggling sa Aduana.
Sa BIR ay napuna ng Malacanang na mabagal ang usad ng imbestigasyon sa mga katiwalian kung kaya nabibilang sa daliri ang nakakasuhan at nananatili ang mga ito sa puwesto dahil sa hinalang umiiral ang palakasan at padrino.
Samantala, sa bagong data tax collection performance, nakita ni Secretary Dominguez ang pagtaas ng koleksiyon sa buwis nina CaBaMiRo BIR Regional Director Dante Aninag, LaQueMar BIR Regional Direcor Greg Buhain, Quezon City BIR Regional Director Albin Galanza, East NCR BIR Regional Director Edgar Tolentino, Caloocan City BIR Regional Director Gerry Dumayas, Makati City BIR Regional Director Maridur Rosario at South NCR Regional Director Eduardo Pagulayan, Jr. at Assistant Regional Director Saripoden Bantog na humataw nang husto para makuha ang kani-kanilang tax goal mula buwan ng Enero hanggang sa pagtatapos nitong buwan ng Hulyo.
Sinabi ni Secretary Dominguez na kumpiyansa sila ni Commissioner Dulay na kayang makuha ang tax goal bago matapos ang taong 2021 gahil sa magandang tax collection performance na ipinakita nina Revenue District Officers Timm Renomeron (Cloocan City), Antonio Mangubat (East Bulacan), Elmer Carolino (West Bulacan), Stimson Cureg (Valenzuela City), Jefferson Tabboga (Malabon/Navotas), Deogracias Villar, Jr. (Pasig City), Cynthia Lobo (Mandaluyong City), Vocente Gamad, Jr. (Marikina City), Thelma Mangio (San Juan City), Mary Ann Canare (Cainta/Taytay), Rodel Buenaobra (Novaliches), Arnulfo Galapia (North QC), Antonino Ilagan (South QC), Alma Celestial Cayabyab (Cubao) at iba pa.
vvv
(Para sa opinion, mag-text lamang sa 09266481092 o mag-email sa [email protected])
874487 230952This design is incredible! You certainly know how to maintain a reader amused. Between your wit and your videos, I was almost moved to start my own blog (well, almostHaHa!) Great job. I really loved what you had to say, and a lot more than that, how you presented it. Too cool! 294974