CORRUPTION-FREE INVESTMENTS

DUTERTE-BLUE

TINIYAK ni ­Pangulong ­Rodrigo Duterte sa mga Japanese investor ang isang ‘corruption-free’ business environment sa bansa.

Sa kanyang pagsasalita sa isang business forum sa Tokyo, nangako ang ­Pangulo na agad niyang ‘papatayin’ ang mga problemang kakaharapin ng mga ito sakaling maglagak ng negosyo sa Filipinas.

Ayon sa Pangulo, tutugunan ng kanyang pamahalaan ang mga problemang kakaharapin ng Japanese businesses sa loob ng 24 oras.

“May I just assure you that during my time I said there will be no corruption. And every Japanese investor in my country, how-ever small or however big, I can assure you that if there’s any complaint regarding hindrances, obstruction or outright corruption, let me know,” aniya.

“You can contact any of the Cabinet members or your Filipino lawyers or Filipino workers, and you can ask an audience with me in 24 hours and I will talk to you and just let me know what your problem is and we will kill that problem,” dagdag pa ng ­Pangulo.

Bago ang event ay lu­magda ang Philippine at Ja­panese firms sa 26 kasunduan.

Ayon kay  Philippine-Japan Economic Cooperation Committee Secretary General JJ Soriano,  sa 26 deals, 19 ang letters of in-tent para sa pagnenegosyo sa pagitan ng Japanese at Filipino firms, habang ang pito ay cooperation agreements.

Ang 19 kasunduan na nagkakahalaga ng P300 billion ay lilikha ng mahigit sa 82,000 trabaho.

Sinabi ni Soriano na kabilang sa letters of intent na nilagdaan ay technology, manufacturing, industrial parks, retail at food busi-nesses.

Aniya, hinintay ng mga Japanese businessmen, na partikular na interesado sa anti-corruption drive ni Duterte, ang pagdating ng Pangulo.

“That’s one of the things that the Japanese community appreciate, the fact that the government is steadfastly saying that they are against corruption and that they will make sure that investments will be protected and that red tape will be reduced a lot,” dagdag pa niya.

Noong 2018, ang Japan ay 2nd major trading partner ng Filipinas na may total trade na $20 billion – $9.5 bilyong ha­laga ng  exports sa Japan, at $10.5 bilyong halaga ng imports mula sa Japan.

Ang Japan ay 3rd major export market at import supplier din ng bansa.