PINAYUHAN ng isang waste and pollution watch group ang mga konsyumer, partikular na ang mga buntis, na mag-ingat laban sa paggamit ng mga cosmetic na nagtataglay ng mga nakalalasong kemikal tulad ng lead at mercury na maaaring makaapekto sa brain development ng kanilang mga sanggol.
Ito ay matapos na matuklasan ng grupong EcoWaste Coalition na ilang hindi rehistradong skin care at whitening products na nagtataglay ng mataas na antas ng heavy metal impurities ang mabibili sa merkado, at maaaring magamit ng mga buntis.
Ayon sa EcoWaste Coalition, kabilang sa whitening product na may mataas na antas ng mercury ay ang Zahra Beauty Cream, na nagkakahalaga ng P150, at mula sa Pakistan, at Feique Lemon Whitening Freckle-Removing Cream, na nagkakahalaga ng P60, na mula sa China, habang may mataas namang lead ang Top Shirley Medicated Cream, na nagkakahalaga ng P40, mula sa Taiwan.
Ang mga naturang pampaganda, na nabili ng grupo sa mga retailers mula sa Baclaran, Divisoria at Quiapo, ay hindi rehistrado ng Food and Drug Administration (FDA).
“We are outraged by the unethical sale of skin cosmetics containing lead and mercury that can harm the developing brain even before a child is born. These potent neurotoxins can enter the body via dermal absorption and ingestion, build up over time and pass through the placental barrier affecting early development of the baby’s brain,” ayon kay Thony Dizon, Chemical Safety Campaigner, ng EcoWaste Coalition.
“Pregnant women must stay away from skin cosmetics containing these known brain and central nervous system poisons. Lead and mercury-laden facial creams applied on a frequent basis can result in significant exposure levels for both the mother and the baby in her womb and must be totally avoided,” payo naman ng toxicologist na si Dr. Erle Castillo ng Medical Center Manila at ng Philippine Society of Clinical and Occupational Toxicology (PSCOT).
Ayon sa US Agency for Toxic Substances and Disease Registry (ATSDR), ang mercury ay mapanganib at maaaring magdulot ng brain damage, mental retardation, incoordination, pagkabulag, pagkakaroon ng seizure, at pagkawala ng kakayahang makapagsalita, gayundin ng problema sa nervous at digestive system, at kidney damage, sa mga sanggol sa loob ng sinapupunan kung gagamitin ng isang buntis.
Ang mga fetus naman na malalantad sa lead sa loob ng kanilang sinapupunan ay maaring maagang maipanganak o maging premature, at bumaba ang timbang.
“Exposure in the womb, in infancy, or in early childhood also may slow mental development and cause lower intelligence later in childhood. There is evidence that these effects may persist beyond childhood,” anang ATSDR. ANA ROSARIO HERNANDEZ
Comments are closed.