COTABATO CITY POLIO FREE PA RIN

Polio

NANANATILING  polio free ang lungsod ng Cotabato.

Ito ang kinumpirma ni City Health Officer Dr. Meyasser Patadon sa kabila ng napaulat na isang tatlong buwang sanggol ang isinugod sa pagamutan na pinaniniwalaang dinapuan ng poliomylitis dahil sa lagnat at pagkaparalisa ng isang binti nito.

Ayon kay Dr Patadon, hinihintay na lamang nila ang resulta ng laboratory test mula sa kinuhang specimen sa sanggol.

Aniya, hanggang walang inilalabas na resulta ng laboratory test ay hindi pa maikokonsiderang polio ang kumapit na sakit sa sanggol.

Walang gamot sa polio virus ngunit maiiwasan naman ito sa pamamagitan ng vaccination.

Nanawagan din si Patadon sa mga magulang na huwag mabahala at sa halip ay agad na magtungo sa pinakamalapit na ospital o health center para sa oral polio vaccine sa mga bata na may edad limang taon pababa.

Gayundin, nakatakdang magsagawa ng mass immunization campaign ang City Health Office sa lungsod ng Cotabato.

Comments are closed.