COULDRON MANANATILING NAKASINDI KAHIT MAY BAGYO

CAULDRON

SA KABILA ng inaasahang sama ng panahon bunsod ng bagyong Kammuri o Tisoy sa mga susunod na araw ay  mananatiling nakasindi ang kontrobersiyal na cauldron ng 30th SEA Games.

Ito ang tiniyak ni Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (Phisgoc) Chief Operating Officer Ramon Suzara, maliban na lang kung sobrang lakas na ng buhos ng ulan.

Paliwanag ni Suzara, gina­gamitan ng gas chamber ang nabanggit na cauldron kaya hindi ito agad mamamatay.

Iginiit pa ni Suzara, mananatiling nakasindi ang SEA Games cauldron para maipakita ang kahalagahan nito bilang simbolo ng palaro.

“The flame will still be there even in the Asian games in Doha, there’s a strong rain but the flame is still there may-be SEA Games in the Indonesia in 2011, in Palembang there’s a lot of rain but the flame in the cauldron is still there. So, as long as the cauldron holds on, not the heavy down pour, the cauldron will still be there. Again, we have no control of nature of the heavy down pouring because it’s maintained by a gas chamber,” ani Suzara.

Comments are closed.