BOHOL – COMATOSE pa rin ang isang lalaking pulis na nakabaril at nakapatay sa kanyang misis na pulis rin matapos silang magbarilan sa kanilang bahay sa Sitio Ingod, Barangay Centro, Tubigan.
Ayon kay Bohol Police Provincial Director Col Jonathan Cabal, Enero 27, nagtalo ang mag-asawang sina Police Staff Sergeant Juliet Tuguib, naka-assign sa Clarin Municipal Police Station sa Bohol, at asawa nitong si Police Staff Seargent Ariel Tuguib, naka-assign sa Regional Personnela Holding and Accounting Unit.
Ang pagtatalo ng mag-asawa ay nauwi sa barilan na narinig mismo ng kanilang kasambahay.
Dead on the spot ang babaeng pulis matapos na magtamo ng tama ng bala ng baril sa mukha.
Habang may tama rin sa mukha na ngayon ay comatose at patuloy na inoobserbahan sa Tagbilaran hospital ang lalaking pulis matapos na magbaril sa sarili.
Ayon pa kay Cabal, ang mag-asawa ay may dalawang anak edad 14 at 8.
Sa pag-iimbestiga rin ng mga pulis, natukoy na may sakit sa utak ang lalaking pulis na isa sa tinitingnan dahilan kaya nagawa nito ang pagpatay sa asawa.
Sinabi pa ni Cabal na nagpapatuloy na ang proseso ng pagtanggal sa serbisyo kay Ariel matapos na matukoy ng mga doktor na may sakit ito sa utak. REA SARMIENTO
Comments are closed.