COURIER NG SHABU TIMBOG SA NAIA

NA-INTERCEPT ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa tulong ng Bureau of Customs (BOC) Anti-Illegal Drugs Task Group (AIDG) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang courier ng P144.3 milyong halaga ng shabu.

Ayon sa report, kinilala ang suspek na African national na si Mark Wienand, 60-anyos na dumating kamakalawa ng gsbi sa NAIA Terminal 3 via Doha Qatar galing sa South Africa.

Batay sa impormasyon na nakalap ng pahayagang ito, itinago ang mga naturang shabu sa loob ng kanyang dalawang luggage na may marking “power Up” at idineklara bilang mga assorted clothes at sapatos.

Nadiskubre ang mga ito sa pamamagitan ng 100 percent physical examination na isinagawa ng mga taga- Customs sa harap ng mga representante ng PDEA.

Nakuha sa luggage ni Wienand ang 21,215 gramo ng shabu na nakabalot sa walong improvised duct tape, isang unit ng Samsung android phone, isang wallet, ID, Passport, baggage declaration, vaccination card at dalawang boarding pass.

Sa kasalukuyang si Wienand ay sumasailalim ng custodial investigation kasunod ang inquest proceedings dahil sa paglabag ng RA Act 9165, o kilala sa tawag na Comprehensive Drug Act at sa RA 10863 ng Customs Modernization and Tariff Act (CTMA). FROILAN MORALLOS