TAOS pusong nagpasalamat si Pangulong Rodrigo Duterte sa China partikular kay Chinese President Xi Jinping sa pagdating ng donasyong 600,000 doses na gawa ng China-based drugmaker na Sinovac Biotech.
Pasado alas-4 ng hapon ng Linggo nang dumating ang mga bakuna sa Villamor Air Base, Pasay City.
Personal na sinalubong ito nina Pangulong Duterte at Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xillian kasama sina Executive Secretary Salvador Medialdea, Health Secretary Francisco Duque, Vaccine Czar Carlito Galvez, Presidential Spokesman Harry Roque, Senator Christopher Bong” Go at iba pang matataas na opisyal ng gobyerno.
Makaraang maibaba ang mga kahong-kahong bakuna mula sa Chinese military aircraft ay iniabot ni Ambassador Huang ang botelya ng bakuna kay Pangulong Duterte bilang symbolical turn over ng unang shipment ng Sinovac vaccine.
Sa kanyang talumpati, pinasalamatan ng Punong Ehekutibo ang China sa goodwill nito at itinuring na ang pagdating ng bakuna ang tatapos sa pandemya sa Filipinas.
“These vaccines will end the pandemic in the Philippines, I convey my sincere gratitude to the Chinese people,” ayon sa Pangulo.
Samantala, sa pagdating ng 600,000 doses ng Sinovac vaccines kahapon ay sumampa sa 576,352 ang mga tinamaan ng deadly virus sa bansa kasunod ng bagong kaso na 2,113, Pebrero 28. EVELYN QUIROZ
Comments are closed.