COVID-19 AT TUBERCULOSIS NILALABANAN DIN SA CALOOCAN

INILUNSAD sa Lungsod ng Caloocan ang Tibay ng Dibdib: A Citywide TB Education Campaign na ginanap sa Buena Park umaga ng ika-24 ng Mayo. Para sa kaalaman ng mamamayan ukol sa sakit na Tuberculosis sa pamamagitan ng online learning ng mga mag-aaral na maaaring talakayin sa kanilang Health subject, service delivery, at pamamahagi ng iba’t ibang information, education, and communication o IEC materials.

Ang Tibay ng Dibdib Campaign ay naisakatuparan sa pangunguna ng Pamahalaang Lungsod ng Caloocan, Schools Division Office of Caloocan City, sa pakikipag-ugnayan ng Department of Education, Department of Health National Tuberculosis Control Program, United States Agency for International Development (USAID) at University Research Company.

Tinatalakay din dito ang mga sintomas ng TB gaya ng labis na pagpapawis sa gabi, pabalik-balik na lagnat, pagbaba ng timbang o pamamayat, at ubo na tumatagal ng dalawang linggo o higit pa. Ang mga naninigarilyo, may edad 60 pataas, naggamutan sa TB noon o may kasamang may TB sa bahay, at may mga diabetes, Cancer, HIV o nagda-dialysis ay ang mga taong madaling kapitan ng sakit na ito.

Dumalo rin sa aktibidad sina Mayor Oca Malapitan, City Administrator Engr. Oliver Hernandez, City Health Officer Dra. Evelyn Cuevas, Schools Division Superintendent Dr. Nerissa Losaria, DepEd Health and Nutrition Head Dr. Connie Gepanayao, at USAID’s TB Platforms Field and Operations Area Manager Dr. Hansel Ybañez. EVELYN GARCIA

5 thoughts on “COVID-19 AT TUBERCULOSIS NILALABANAN DIN SA CALOOCAN”

Comments are closed.