SUMIPA na sa 519,575 ang kabuuang bilang ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.
Ito’y matapos makapagtala ng Department of Health (DOH) ng karagdagang 1,169 panibagong COVID-19 cases araw ng Huwebes, Enero 28.
Nasa 33,427 naman ang mga aktibong kaso.
Samantala, 60 naman ang nadagdag sa bilang ng mga gumaling sa sakit kaya’t umakyat na 475,596 ang total recoveries
Habang 71 ang karagdagang bilang ng mga nasawi sa virus kaya’t nasa 10,552 na ang death toll ng coronavirus sa bansa.
Comments are closed.