COVID-19 CASES 534K NA

UMAKYAT na sa 533,587 ang kabuuang bilang ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.

Ito’y matapos makapagtala ng Department of Health (DOH) ng karagdagang 1,894 panibagong COVID-19 cases araw ng Biyernes, Pebrero 5.

Nasa 34,255 naman ang mga aktibong kaso.

Samantala, 397 ang nadagdag sa bilang ng mga gumaling sa sakit kaya’t pumalo na 4888,274 ang total recoveries

Habang 61 naman ang karagdagang bilang ng mga nasawi sa virus kaya’t nasa 11,058 na ang death toll ng coronavirus sa bansa.

Comments are closed.