COVID-19 CASES, 70K SA KATAPUSAN NG HULYO–UP EXPERTS

COvid19

NAGLABAS  ng panibagong pagtaya ang mga siyentiko at researchers ng University of the Philippines (UP) kung gaaano na kalaki ang coronavirus disease 2019 (COVID-19) cases sa bansa sa  darating na Hulyo  31.

Ayon kay Dr. Guido David, isa sa mga UP professor, posibleng umabot sa 60,000 hanggang 70,000 ang kaso ng COVID-19 sa katapusan ng Hulyo.

Binigyang diin ni David na hindi pananakot ang ginagawa nilang paglalabas ng projections kundi para lamang sa impormasyon ng mamamayan.

Nakabase aniya ito sa fresh cases at sa trend kung pababa o pataas pa ang mga kaso sa ilang mga lugar.

“‘Yung projection kasi namin sa Cebu aabot na sa at least 15,000 by the end of July; tapos sa Metro Manila, nasa 27,000. So, malaki pa ring part ‘yung Metro Manila, pero ‘yung sa Cebu lumalaki na rin siyang part ng estimates natin. Ngayon, kung umabot siya ng 70,000, ibig sabihin ay hindi pa rin talaga natin na-manage ‘yung sa Cebu tapos ‘yung sa Metro Manila medyo status quo,” ani Dr. Guido David sa panayam ng DWIZ.

Sa personal na pananaw ni David, dapat manatili muna sa status quo ang estado ng quarantine sa bansa lalo na sa Metro Manila.

Ayon pa rito, wala naman siyang nakikitang mas matinding epekto ng kasalukuyang GCQ na ipinatutupad sa Metro Manila dahil halos lahat naman ng negosyo ay pinayagan nang magbukas.

Base sa mga numero, mas maigi na i-retain muna natin sa GCQ ang Metro Manila since open na rin naman ang economic sectors. Ibig sabihin kapag nag-loosen tayo ng restrictions more of para sa leisure na lang ‘yan eh,” dagdag pa ni David.

Comments are closed.